Advertisers
ISA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa mga Kapuso star na sumabak nang muli sa pagte-taping sa ilalim ng new normal.
Kabilang si Alden sa star-studded cast ng pinakabagong drama anthology ng GMA-7 na ‘I Can See You’. Makakatambal niya para sa unang installment na ‘Love On The Balcony’ ang Kapuso leading lady na si Jasmine Curtis-Smith.
Sa kanyang panayam ay inamin ni Alden na nanibago siya sa unang acting project matapos ang ilang buwan na community quarantine, “First project shoot ko ‘yun since March. So, sobrang iba talaga.”
Idinetalye rin ng Kapuso actor ang pinagdaanan nilang preparasyon bago mag-taping para maging handa habang nasa set, “’Yung mga preparation prior to tapings nag-iba rin. Swab testing, tapos health monitoring. On the set, health monitoring pa rin. After nung taping namin, ‘yung last day, nag-antigen swab kami.”
Dagdag pa ni Alden, “’Tapos lahat hindi ko nakita ‘yung mukha. Lahat naka-mask, lahat naka-face shield. So, new environment.”
Makakasama rin nila sa ‘Love On The Balcony’ sina Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez. Mapapanood ang unang installment ng I Can See You, sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos, ngayong September 28 na sa GMA Telebabad.
***
Mark Herras at Nicole Donesa, nagkaroon ng simpleng gender reveal party para sa anak
Matapos ianunsyo na magkakaroon na sila ng anak, isang simpleng gender reveal party ang inorganisa ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa.
Sa kanilang YouTube channel, ibinahagi nila na boy ang gender ng kanilang supling. Pinangalanan nilang Corky ang anak, kombinasyon ng mga pangalan nila at ng salitang “baby.”
Sa naging livestream naman ni Nicole para sa Descendants of the Sun online show na DOTS How To Do It, ikinuwento niya na malakas na ang kutob niya na baby boy ang kanyang ipinagbubuntis.
Aniya, “I think I’m having a boy ‘coz I’m so tamad to get ready kahit iba-brush ko lang ‘yung hair ko and konting lipstick, tamad na tamad akong gawin.”
“Ang sabi nila kasi like kapag babae raw ‘yung anak mo, mahilig kang magkikay-kikay, mag-ready, and ang active mo. Ako, no. I just wanna lay down and sleep tapos wala akong gana talaga kung ‘di mag-listen ng music or watch TV, gano’n,” dagdag pa niya. (Rommel Gonzales)