Advertisers

Advertisers

ABS-CBN GINAWARAN NG STEVIE AWARD SA GINAWANG PAG-RESPONDE SA COVID-19

0 251

Advertisers

KINILALA sa ibayong dagat ang mabilis at may malasakit na pag-akyson ng ABS-CBN upang matulungan ang mga Pilipino sa panahon ng pandemya sa kabila ng mga hinaharap nitong hamon kaugnay sa prangkisa.

Nagwagi ng Silver Stevie® award para sa Most Valuable Corporate Response ang Kapamilya network sa 17th International Business Awards® (IBA), na magdaraos ng isang virtual ceremony sa Disyembre.

Pinuri ang ABS-CBN ng mga judge sa IBA dahil sa iba-iba nitong atake para mapaglingkuran ang Pilipino sa panahon ng krisis dulot ng COVID-19.



Sabi ng isa, kahanga-hanga ang dedikasyon ng kumpanya sa komunidad. Dagdag pa ng isang judge, nakamamangha na nakatutulong pa ang network sa nangangailangan habang patuloy din itong nagbibigay ng trabaho at naghahatid ng balita sa publiko.

Bukod sa balita, hinandugan din ng ABS-CBN ang 70 milyong manonood nito ng mga  programang puno ng inspirasyon sa iba’t ibang media platforms. Tinulungan din nito ang gobyerno ipaliwanag sa madla ang COVID-19 sa pamamagitan ng Ligtas Pilipinas sa COVID-19 information campaign.

Ang IBA o Stevie Awards ay itinuturing na pinaka-prestihiyosong business awards sa mundo na kumikilala sa tagumpay at kontribusyon ng mga kumpanya sa buong mundo. (Showbizteam)