Advertisers

Advertisers

2 patay, 4 sugatan sa banggaan sa Zambo Sur

0 212

Advertisers

DALAWA ang nasawi at apat ang sugatan nang salpukin ng pickup truck na Ford Ranger ang isang military jeep sa Barangay Camanga, Dumalinao, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang driver ng pickup truck na si Alfredo Tagala Jr. 26, residente sa bayan ng Buug sa nasabing probinsya.
Kinilala naman ang mga nasawi na sina Aiza Maghuyop, 22; Rodel Omania 25; at sugatan ang driver at tatlong iba pa na pawang sakay ng jeep.
Ayon kay PCpl. Joeffrey Linga, traffic investigator ng Dumalinao PNP, sa panayam ng Star FM Dipolog, kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injury at damage property ang kasong isasampa laban kay Tagalan.
Sa report, galing sa Kumalarang at papunta sa bayan ng Margosatubig ang jeep upang maghatid ng pasyente nang mabangga ito ng kasalubong na pickup
Dahil sa lakas ng impact, nahulog ang jeep sa bangin na may lalim na 2 metro nang mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber.
Sa ngayon, temporaryong naka-detain sa Dumalinao Municipal Police Station si Tagala.(PFT team)