Advertisers

Advertisers

10-anyos nagtala ng 17.3m ‘dolphin dive’

0 230

Advertisers

NAKAPAGTALA ang 10-anyos batang babae ng record na 17.3 meters sa diving sa kalagitnaan ng karagatan ng Pandan Bay, Antique.
Ayon sa mga coach nito, si Aleah Kirsten Alojipan ay kasalukuyang tinuturuan ng recreational scuba diving course.
Limang divers ang nagtuturo kay Alojipan ng diving matapos sila mawalan ng trabaho sa isla ng Boracay dahil sa COVID 19 pandemic.
Nagislbing training ground ni Alojipan ang Pandan Bay dahil bukod sa kakaibang ganda nito ay may isang bundok rin eto sa ilalim ng dagat.
Naniniwala ang mga diver na si Alojipan ang pinakabatang babae sa Pilipinas na nakapag- dive ng 17.3 meters ang lalim sa dolphin dive category.
Ang 17.5 meters na lalim ay kasingtaas ng limang palapag na gusali o dalawang poste ng kuryente na pinagpatong.(PFT team)