Advertisers

Advertisers

1 patay, 2 sugatan sa nahulog na jeep sa kanal

0 218

Advertisers

PATAY ang isa katao at dalawa ang sugatan nang aksidenteng mahulog ang sinasakyang pampasaherong jeep sa malalim na kanal sa Barangay Sto. Rosario, Sigay, Ilocos Sur, Sabado ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Benil Oppin Daewey, 37, helper; habang sugatan sina Jessie Bayaten, 43, may asawa, driver ng passenger jeep; at Roberto Dingoasen, 56, pawang residente ng Brgy. Abaccan, Sigay.
Sa ulat, papuntang silangang direksyon ang pampasaherong jeep na may kargang mga hollow block. Pagsapit nito sa lugar, biglang nagkaroon ng mechanical defects ang sasakyan at nawalan ng kontrol sa manibela ang driver.
Ayon sa report, dumiretso at nahulog ang sasakyan sa kanal sa gilid ng kalsada, dahilan ng pagkasawi ng isa sa mga biktima at pagkaka-ospital ng dalawa pang pasahero.(Ace Ramales)