Advertisers

Advertisers

PRESONG MAY COVID SA TABI NG BATANGAS CITY SLAUGHTER HOUSE!

0 539

Advertisers

DAHIL sa kawalan ng pasilidad para sa mga nahawahan ng China virus o COVID 19, tinatayang nasa 50 o higit pang Person Deprived of Liberty (PDL), ang inilipat ng pulisya mula sa Batangas City Police Headquarters Lock-up cell sa dating evacuation center ng mga Taal Volcano victims na nasa tabi lamang ng City Slaughter House sa Brgy. Bolbok, Batangas City.

Ang Bolbok ay isa sa mga city suburban area at ikatlo sa may pinaka-mataong pamayanan sa may 105 barangay sa Lungsod ng Batangas. Naniniwala po ang inyong lingkod na ang nakataya sa naturang hakbang ay ang pangsambayanang kalusugan.

Ang kakulangan ng isolation facilities para sa mga COVID patient ay di solong suliranin ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas at maging ng kapulisan, kaya kahit na nga ang gusaling ilang metro lamang ang distansya sa katayan ng baka, baboy kambing at iba pang domisticated animals ay ginamit na ring isolation facility para sa mga presong dinapuan ng nakamamatay na virus.



Sa nasabing slaughter house kinakatay ang mga pang-araw-araw na pambentang karne sa dalawang pampublikong palengke ng Batangas City, kaya naman di masukat ang takot ng mga taga-syudad sa naging desisyon ng pamahalaan.

Dahil nga sa mahigpit na pangangailangan, maraming di naisaalang-alang ang mga brainchild sa paglalagay ng nasabing health facility.

Marami pa namang hiwalay na lugar na maaaring paglagyan ng mga COVID positive, ngunit kung bakit sa napakalapit pang barangay sa city proper tulad nga ng Bolbok ang naisipan paglagakan ng COVID 19 positive?

Ayon sa mga mensahe ng ilang nagpapakilalang residente ng Batangas City sa SIKRETA, kung sino man daw ang utak ng naturang proyekto, ay umiral dito ang kabobohan, at kawalang malasakit sa mga mamayang maaring mahawa sa virus, wala ang mga ito sa wastong pag-iisip at di isinaalang-alang ang kapakanan ng higit na nakararami.

“Imagine po ilang metro lamang ang layo ng COVID isolation facility na ito sa slaughter house, ano po ang katiyakan na hindi maisasalin sa mga karneng kinakatay doon ang COVID 19 virus?



Bakit hindi po natin subukan na ilagay sa malapit sa bahay ng mga opisyales ng lungsod at barangay na pumabor sa paglalagay ng pasilidad ang paglalagakan ng COVID 19 patients para maramdaman din nila ang pagkatakot na namamayani sa kanilang kalooban ngayon?

Ang Slaughter house po ay halos abot din lamang ng pagdura mula sa bintana ng isolation facility”, ang text message pa sa SIKRETA ng isang nagpakilalang Concerned Citizen ng Bolbok.

Sinisi din ng ating tagasubaybay si Brgy. Chairman Wilfredo Ocampo at ang kawalang malasakit nito sa kanyang mga kabarangay dahil sa pagsasawalang kibo at di pagtutol sa implementasyon ng paglalagay ng COVID 19 facility sa kanyang hurisdiksyon.

Ang totoo nito mahigit na sa ilang linggo nating pinagsisikapang makumpirma kung tunay nga ang umuugong na planong paglalagak ng COVID positive inmates at iba pang pasyente sa gusaling pinamamahalaan ng CDRRMO sa Bolbok, ngunit di sinasagot ni Ocampo ang mga tawag at text mesasages ng inyong lingkod.

Nito ngang Setyembre 19, 2020 bandang 7:00 ng umaga ay nakumpirma ng SIKTRETA ang paglilipat ng COVID 19 patient sa gusaling pinamamahalaan ng CDRRMO katabing-katabi lamang ng Batangas City Slaughter House, nang dalhin ng PNP vehicles ang mga PDL na kontaminado ng virus sa nasabing gusali.

Ang mga kapamilya at iba pang bumisita sa mga inmates ay pinagbawalan na lumapit sa CDRRMO building na pinagdalhan sa may mga sakit na inmates.

“Bato-bato sa langit, ang tamaan ay wag magalit.” huwag naman sanang mamasamain ng LGU at ni Chairman Ocampo, kabobohan po talaga kung di ninyo alam, hindi ipinaalam o kaya ay hindi kayo pinatalastasan ng mga kinauukulang government officials para gamiting ang alinmang pasilidad, bahay na pampribado o pampahalaang gusali bilang isolation facility sa Brgy. Bolbok, lalo na ng mga COVID patient, na mga suspected criminals pa.

Kawalan ng pondo ang karaniwang suliranin ng mga lokal na pamahalaan kaya wala pang mga espipikong sentro o kaya ay kulang ang mga lugar na lagakan ng sinamang palad na dapuan ng COVID 19 sa Batangas City at maging sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ang nakadidismaya ay mayroon namang inilaan na budget ang pamahalaang nasyonal na halos ay Php 500 milyon para sa paglalatag ng white sand o dolomite sa dalampasigan ng Maynila.

Hindi natin hinuhusgahan ang desisyong gamiting isolation area ang gusali ng CDRRMO na nakatirik sa pag-aari ng gobyernong lupain para naman gamitin nga ng mga inmates at iba pang COVID 19 positive patient, ngunit ang marapat ay pinadaan muna ang plano sa isang sa masusing proseso at public hearing.

Napakasalungat naman sa mission and vision ng CDRRMO ang pagkakaroon ng COVID isolation faciltiy malapit din lamang sa kanilang opisina.

CDRRMO Mission: To continue the development, minimize the risk and vulnerabilities, limit the adverse impact of hazards, and ensure the safety and security of Batanguenos.

CDRRMO Vison : To continue the development, minimize the risk and vulnerabilities, limit the adverse impact of hazards, and ensure the safety and security of Batanguenos.

Anyare Batangas City CDRRMO Chief Rodrigo “Rod” Dela Roca?

May panahon pa naman para ireconsider o ipawalang bisa ng mga opisyales ng pamahalaan lalo na ng LGU ang paglalagay ng COVID facility sa Brgy. Bolbok. Mas nakararami pang mga hiwalay na lugar na maaring italagang isolation faciltiy para sa mga COVID positive sa Batangas City at hindi sa tulad CDRRMO building na kinaroroonan din ng Batangas City Slaughter House sa Brgy. Bolbok.

May katiyakang may nilabag na batas tulad ng zoning ordinance at iba pang reglamento ng pamahalaan ang pagkapaglagay ng nasabing pasilidad.

Bukod pa nga na nasa thickly populated area, katabi pa ng slaughter house ng syudad ay karamihan pa ay mga halang ang kaluluwang kriminal ang napalagak sa nasabing isolation faciltity.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.