Advertisers

Advertisers

POSTURA

0 699

Advertisers

Malamig na ngayon ang simoy ng hangin, Ber month na nga pala kaya ganyan na ang nalalanghap natin na para bang ipinaghehele tayo sa duyan upang makatulog. Subalit talagang may mga araw din na talagang mainit at maalinsangan ‘di lang ang panahon pati na rin ang ating ulo.

Dahil sa makikita kahit saan mang uri pamamahayag, print, air, o’ at maging sa social media ang super alalay ni Totoy Kulambo, walang iba kundi si Bongoloid, wow parang may tunog na John Lloyd. Trabahong senado na Presidential Assistant at officer-in-charge commander-in-chief ng probinsya ng Tsina kung nakaratay si Totoy Kulambo.

Sa postura na ipinapakita ni Bongoloid, malinaw sa mga mata ng mga Filipino na siya ang tunay na tumitimon sa bansa sa kalagayan ng kalusugan ng kanyang amo. Ang sakiting si Totoy Kulambo’y nakaasa na lang sa kanya kaya’t kahit anong ibigin nito’y sinusunod.



Ngunit sa galaw at postura nito, malinaw na hindi at wala itong kakayanan na pamunuan ang bansa. Sumadsad at hindi kinakitaan ng sigla sa anumang aspeto ng buhay ang pamahalaang ito. Kung akala niya na Triad Gang ang kanyang pinamumunuan o pamumunuan siya’y nagkakamali dahil bansa ito ng mga taong matutuwid at may dangal.

Maraming mga Filipino ang nagising na sa walang direksyon, walang plano at walang kuwentang pamahalaan na lantaran nagbibigay ng kanilang saloobin. Ang pagpapakita ni Bongoloid sa mga media coverage ay patunay lamang na gusto nitong daanin sa papogi ang lahat ng bagay na may kinalaman sa gawaing gobyerno.

Subalit, ang pagkalugmok ng bansa’y gawa naman ng mga P…I ng Davao. Hindi na nila kayang sangain ito dahil dama na nating mga Filipino ang namulat sa katotohanan na ngayo’y naghihirap.

Sa kabilang banda, sa pagpopustura ni Bongoloid, ano naman ang masasabi ni Inday Sapak na parang na itsa puwera na. Naku parang hindi ako kampante na wala sa mga media coverage si Inday Sapak dahil alam natin na noong nakaraang halala’y ‘di magkanda ugaga ito sa pagtaas ng kamay ng mga kandidato ng Hugpong ng mga Ulupong.

Papayag ba ito na isang sampid lang ang mag-aalis sa kanya na masungkit ang babakantihin ni Totoy Kulambo. Kilos Inday Sapak at bigyan ng isang bigwas ang tumitira sa iyo pailalim. Ang karanasan mo’y huwag iisang tabi dahil lang sa isang sampid na asungot.



Sa umiinit na panahon dahil sa gahamang ambisyon ng iilan, may mga natatanging tao ang walang paki at tuloy lang ang trabaho para maabot ng maraming Filipino ang kailangan na tulong. Kakakitaan mo ito ng tunay na malasakit na kahit walang media coverage ay ayun naroroon sa mga pamayanan na nagbibigay kalinga at kabuhayan sa abot ng kanyang makakaya.

Hindi naghahanap ng mga kokodak sa pagbibigay ng ayuda, at hindi kailangan mag-take one o take two, dahil nasa puso nito ang pagtulong.

Ang binabangit ko ang ating bise-presidente. Sa totoo lang minsang nagpahayag ito ng kanyang mga obserbasyon sa walang direksyon ng pamahalaan ni Totoy Kulambo, umani ito ng papuri ‘di lang sa bansa maging sa international community.

Malinaw na nailahad niya ang dapat tahakin na landas at hakbangin ng pamahalaan upang makabangon sa kasadlakan ang bansa. Binanggit nito na kailangan ipakita ng gobyerno sa tao kung ano ang mga pinagkagastusan ng mga salaping bayan na tinustos sa pandemya.

Ang paghingi ng ulat mula sa naabot na tulong hangang sa actual na salaping nagamit dito. Ganito dapat ang mga pinuno o gustong maging pinuno ng bansa. Alam ang marangal na pamamahala at ‘di nag-iisip magpayaman sa puwesto at talagang serbisyong totoo ang gusto at walang bisyo.

Sa kasalukuyang panahon, langhapin natin ang lamig ng simoy ng hangin at itakwil natin ang ambisyon na siyang nagpapahirap sa ating bansa. Panatiliin na lang sa isip ang ambisyon na maging pinuno ng bansa dahil alam mo sa sarili kung hangang saan ang iyong kakayahan.

Unahin ang mga solusyon sa pagkalat ng pandemya at hindi iyong urong-sulong na pamamalakad. Hindi kinakailangan hintayin pa si Totoy Kulambo para sa tuwirang pasya. Kung talagang mahusay at maayos ang inyong mga nais, ipatupad ang dapat ipatupad.

Ang pagkatalaga sa mga kalihim bilang alter ego ni Totoy Kulambo’y sapat na upang magpasya. Ang tunay at mahusay na pinuno’y hindi pang-media lang.

Patuloy nating ipagdasal ang ating bansa na malagpasan ang pagsubok na ito, gayun na rin ang ating mga obrerong pangkalusugan. Salamat.

***

dantz_zamora@yahoo.com