Advertisers
PINAG-IINGAT ng Malakanyang ang publiko sa mga taong nais isabotahe ang administrasyon sa panahon ng pandemya.
Kasunod ito ng pagpuna sa Manila Bay White Project na itinuturong dahilan ng fish kill sa naturang lugar. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque,masyado pa umanong maagang sabihin na isa itong sabotahe.
Duda si Roque kung paano nagkaroon ng freshwater fish sa saltwater gaya ng Manila Bay.
Binigyan-din ni Roque na nagpapasalamat ang Malakanyang sa publiko sa patuloy na pagsuporta sa administrasyon sa kabila ng mga samu’t saring pagpuna at kritisismong ibinabato ngayon panahon ng pandemya.
Una nang sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Benny Antiporda na posibleng sabotahe o illegal fishing ang fish kill sa Manila Bay.
Bagama’t, ayon naman sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang mababang level ng oxygen sa dagat ang dahilan ng fish kill.(Josephine Patricio/Vanz Fernandez)