Advertisers
ARESTADO ang mag-live in partner na sangkot sa ilegal na online gaming operation sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City nitong Biyernes ng gabi.
Ayon sa ulat, inireklamo sila ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa ilegal nilang operasyon ng online gaming.
Ayon sa ulat, “Ate Girl Pabingo” ang pangalan ng nasabing laro, na nag-o-operate tuwing gabi.
Sa report, nasa P20 ang halaga ng bingo card at napakaliit lang daw ng chance na manalo ng P50,000 to P100,000 na jackpot price. Kumikita ang suspek ng nasa P100,000 isang gabi.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Anti-Cyber Crime Law. (Boy Celario)