Advertisers
INAMIN ni Kapuso actress Kate Valdez na magkahalong kaba at saya ang nararamdaman niya sa pagbabalik-taping para sa pinagbibidahang serye na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.
Dahil ilang buwan na rin silang tumigil sa taping, pabirong inamin ni Kate na tila nakalimutan na raw niya kung papaano umarte.
Aniya, “Sa totoo lang, medyo nangangapa po ako. Para akong bumalik sa umpisa, like from the start ng taping day, parang mag-uumpisa pa lang ulit ‘yung show.”
Added pressure rin para sa cast and crew na kailangan nilang matapos ang eksena nang maaga alinsunod sa new normal taping protocols.
Ginagamit na lang daw ni Kate ang ‘pressure’ na ito para mas pagbutihin ang kanyang mga eksena, “Dapat kapag tumungtong ka na sa set, alam mo na ‘yung lines mo para mabilis ‘yung process ‘nung pag-take. Nakaka-pressure po kasi parang ayaw mo na magkamali, sige take na natin ‘to, ayaw ko na magtagal sa set. Nakakakaba!”
Tutukan ang nalalapit na pagbabalik ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’ sa GMA Telebabad.
***
Dingdong aminadong nahirapan sa lock-in taping para sa DOTSPh
HINDI itinanggi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na nahirapan siya sa naging lock-in taping ng Descendants of the Sun PH.
Sa panayam ng 24 Oras, aminado ang Kapuso actor na challenging ang dalawang linggo na pagte-taping niya kasama ang cast at production team sa Rizal.
Aniya, “Hindi siya madali. Parang kulang na nga lang, bitbitin ko ‘yung buong bahay, ‘yung buong kusina. Siyempre ang habol mo diyan kahit papaano ay ‘yung comfort mo.”
Isa pa sa naging problema niya ay ang paghahanap ng malakas na signal connection para makumusta at makausap ang kanyang pamilya. “Medyo challenging ‘yung signal sa gubat. May areas lang talaga kung saan mayroon.”
Samantala, isang malaking karangalan para kay Dingdong ang napanalunang Asian Star Prize mula sa Seoul International Drama Awards para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Captain Lucas Manalo sa serye. (Rommel Gonzales)