Advertisers

Advertisers

HABAL HABAL DRIVERS SA PASAY, NAGSA~SIDELINE BILANG DRUG COURIERS?

0 387

Advertisers

Nakatanggap tayo ng isang A~1 info patungkol sa pagsa~sideline ng ilang habal habal drivers na nakatarima dyan sa kanto ng Roxas Boulevard Service Road at EDSA tapat ng Heritage Hotel bilang mga drug couriers.

Ang impormasyong ito ang ipinagkaloob sa atin ng isang alyas TRISTAN na isa ring police asset.

Ayon kay TRISTAN, mula sa apat na grupo ng drug groups ang sineserbisyuhan ng mga habal habal drivers na ito na regular na nagde~deliver ng mga pakete ng droga sa halagang 2 libong piso pataas kada biyahe.



Ayon pa kay TRISTAN, mga bata~bata umano ng isang mataas na opisyal ng Pasay PNP at ng PNP Highway Patrol Group~NCR ang mga tinukoy na drivers ng habal habal.

Ang mga pulis din umano ang nagsisilbing protektor ng grupo ng mga habal habal na ito kapalit ang lingguhang payola.

Ibinulgar din ni TRISTAN na nung buwan ng Agosto, isang driver ang nasabat ng HPG NCR habang nasa aktong pagde~deliver ng droga sa boundary ng Makati at Pasay.

Ibinangketa umano ito ng mga taga~HPG at agad na pinakawalan ang driver na kinilalang si alyas Denver na kilalang runner din ng isang female bigtime pusher ng Pasay.
Ito umano ay nagbigay ng 100k bilang areglo.

Sa mga lugar ng Evangelista sa Makati, Leveriza, Malate, Dongalo at La Huerta sa Paranaque at sa Tramo, Pasay na kadalasang idini~deliver ang shabu na nakabalot sa pakete ng Chinese ginger tea at pildoras ng ecstasy party drugs.



Sa insidente ng pagkakahuli ng HPG NCR kay alyas Denver, isang pulis~Pasay umano ang namagitan ngunit sa kabila nito hindi na umano nasoli ang mga epektos na nakuha mula sa suspek pati na rin ang isang kulay itim na Honda Click 155i na gamit nito.

Ayon pa sa ating impormante, naging modus operandi ng mga drug syndicate na ito ang paggamit sa mga habal habal drivers ng Pasay upang makaiwas sa huli dahil di umano sinisita ang mga ito dahil nakatimbre nga sa kapulisan.

Samantala, personal nating hinihiling sa pamunuan ng Highway Patrol Group ng PNP na imbestigahan ang insidente ng pagbangketa sa paghuli sa suspek na si alyas Denver noong buwan ng Agosto at ang umano’y payolang ibinibigay ng grupo ng mga habal habal drivers ng Pasay para di hulihin sa pagbiyahe ng iligal.

Madali naman itong matukoy dahil batid naman ng HPG kung sinu~sino naka~assign sa area ng Roxas Boulevard lungsod ng Pasay.

Magpahanggang ngayon, na~check natin na nakabarega pa rin sa kanto ng service road ng Roxas Boulevard corner EDSA.

Mistulang terminal ng mga habal habal ang gilid ng Heritage Hotel sa nasabing lugar.

Kung bakit nakakapangyari ito ay dapat imbestigahan ni Colonel Winston Doromal na pinuno ng HPG NCR.

Aabangan natin ang magiging aksyon dito ni Col.Doromal.

Kakalkalin din natin kung sino ang tinukoy na female bigtime pusher ng Pasay na itinuturong supplier at amo nang nasakoteng si alyas Denver at ang pulis~Pasay na nagsilbing umanong negosyador sa aregluhang naganap.

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com