Advertisers
UMAKYAT na sa 283,460 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,962 new infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ngayong Sabado ng hapon.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,199 new cases.
Sinundan ito ng Region 4A na may 780 at Region 3 na may 446.
Nakapagtala naman ang DOH ng 1,128 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 209,885 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 100 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 4,930 na ang kabuuan.
May 17 kaso naman na dating inulat na gumaling pero sa final validation ay namatay pala. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)