Advertisers
INAMIN ni BB Gandanghari na handa ito sa mga resbak o buwelta nina Carmina Villarroel, ang ex-wife niya noong si Rustom Padilla pa, at ang latest vlog nito na nadawit si Piolo Pascual.
Sa socmed ni BB, ipinaliwanag nito na kahit i-review pa ng paulit-ulit ang vlog nito kina Carmina at Piolo ay wala naman daw nakaka-offend.
Dahil sa dumarating supporters daw nito kaya naman ginagawa nitong kaabang-abang ang kanyang vlog.
Buwelta pa ni BB sa kanyang bashers na natural lang daw na pagkakitaan nito ang kanyang vlog.
Ginawa nga raw ang platform na YouTube para kumita at marami na umano ang kumikita sa kani-kanilang vlog depende sa content at sa kanyang B-Uncut ay talaga anyang pasabog.
***
Ruby Rodriguez ipinaalam kung bakit ‘no show up’ sa Eat Bulaga
NAPANSIN ng fans ni Ruby Rodriguez ang matagal nang hindi nito pag-appear sa iconic show na Eat Bulaga.
Matagal-tagal na nga raw na hindi nasisilayan ang comedienne-host sa nasabing longest-running noontime show. Nagsimula raw na wala ng appearance si Ruby simula nang mamatay ang kanyang elder sister.
Dagdag pa ang pagkaka-hospital ni Ruby dahil sa stomach ailment nito na na-ipost pa habang nasa Manila Doctor’s Hospital ito.
Nanatili umano ito sa pagamutan dahil may nakita anya na mass sa kanyang tiyan na kailangang maalis sa pamamagitan ng surgery.
Wish ng mga fans ni Ruby na makita na nila ang idolo sa EB pag ito’y gumaling na.
Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi Lloza)
.