Advertisers
Naaagnas na nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa bubungan ng bahay sa Caloocan City.
Kinilala ang bangkay na si Paul Martin Camballa Millanes, 22, at residente ng karatig na Phase 1.
Ayon sa may-ari ng bahay, na may nadinig silang kalabog ilang araw na ang nakalilipas pero hindi nila pinansin dahil inakalang pusa lang.
At nitong Sabado,10:00 ng umga nakita sa bububgan ng bahay sa Phase 8-A Bagong Silang, Caloocan ang nasabing bangkay.
Sa report, binaril ang biktima.
Ayon naman sa ilang residente na hinabol ang biktima ng mga nakamotorsiklo hanggang sa umabot ito sa isang eskinita at umakyat ng bakod.
Pinaghahanap na ang sinasabing salarin at inaalam ang motibo ng krimen.(Beth Samson)