Advertisers
Sumuko ang dalawang isinasabit sa pagpaslang sa isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) marshall noong Setyembre 6 sa Port Area sa Maynila.
Sa ulat, nang makita nina Melissa Asjali y Santos, 38, vendor, ng 12th Street Port Area, Manila at tubong Baliwasan Grande, Zamboanga City; at Arnel Abas y Balacana, 33, Brgy. Lupon ng Brgy. 650 ng t12th St. Port Area, Maynila at tubong Maguindanao, Mindanao ang kanilang larawan habang nanonood ng Facebook Live ni Manila Mayor Isko Moreno, boluntaryong sumuko ang mga ito kay Brgy. EX-O Rodolfo Trono ng Brgy. 650 para linisin ang kanilang pangalan.
Matatandaan na pinatay ang biktimang si Ronald Malonzo y Costelo, male, MTPB Traffic Marshal, 39 , at taga 1955 Modesto St. Malate, Maynila noong Setyembre 6, dakong 9:52 ng umaga sa Railroad St. cor. 12th Street Port Area, Manila.
Na-itinurn-over na sina Santos at Balacana sa MPD-homicide investigation para sa disposisyon ng kaso.
Habang patuloy na pinaghahanap ng otoridad ang isa pa sa mga salarin na si Musa Sangkity alias “Johari/Joe’.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)