Advertisers

Advertisers

Petisyon sa pagsasapubliko ng health records ni Duterte binasura ng SC

0 232

Advertisers

TULUYAN ng ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng isang grupo na humihiling na obligahin at isapubliko ang health records ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ibinasura ang petisyon ni Dino De Leon dahil wala umanong sapat na argumento para suportahan ng SC ang kanyang petisyon.

Sinabi ng SC na walang bagong argumento sa inihain na motion for reconsideration ni De Leon kaya tuluyan nang ibinasura ang kanyang petisyon.



Una nang sinabi ng SC na nabigo si De Leon na patunayan na ang pagsasa- publiko ng health records ni Duterte ay

“ministerial duty” ng Malakanyang at may “clear legal right” siya para hilingin ito

“The Resolution dated May 8, 2020 dismissing the Extremely Urgent Petition for Mandamus is deemed final. No further pleadings or motions shall be entertained in this case,” nakasaad sa resolusyon na inilabas noong Setyembre 8.

Magugunita na ang petisyon ay inihain ni De Leon noong Abril sa SC dahil hindi umano kayang tugunan ni Duterte ang COVID19 emergency dahil sa hindi maayos ang kalusugan nito dahil si Duteete ay may Buerger’s disease, Barrett’s esophagus, gastroesophageal reflux disease, spinal issues, daily migraines, at myasthenia gravis.

Ang petisyon ay unang ibinasura ng SC noong Mayo nang hindi na hinihingan ng komento ang gobyerno. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">