Advertisers
Nadagdagan pa ang mga naghain ng petisyon kontra Anti-Terrorism Law.
Kasunod ito ng paghahain ng petisyon ng mga miyembro ng Council for People’s Development and Governance o CPDG kasama ang IBON Foundation, Kalikasan-PNE at iba pang mga kaalyado sa Korte Suprema ngayong Biyernes.
Ang mga petitioner ay mga grupo ng mga development and humanitarian workers, environmentalists, farm workers, agriculturists, scientists, consumers, at children’s rights advocates na pawang tutol sa Anti-Terrorism Act.
Hinihiling ng grupo sa Korte Suprema sa kanilang inihaing sa kanilang petition for certiorari and prohibition, na maglabas ng Status Quo Ante Order o Temporary Restraining Order laban sa Anti-Terrorism Law.
Pinadedeklara ng grupo na unconstitutonal ang Republic Act no. 11479 na isa umanong “Anti-Tulong Law”.
Kabilang sa mga respondents sa petisyon sina Pangulong Rodrigo Duterte, Executive Sec. Salvador Medialdea, Senate Pres. Tito Sotto at House Speaker Alan Peter Cayetano.
Kinuwestyon din ng mga petitioner ang nilalaman ng batas, na magpapatuloy umano sa ginagawang “red-tagging”, harrassment at pang-aabuso ng pamahalaan sa mga civil society groups.
Una nang inihayag ng kaas-taasanag Hukuman na September gagawin ang oral arguments sa mga petisyon laban sa Anti Terrorism Law ngunit hanggang ngayon ay wala pang inaanunsyo kung kelan at ano petsa ito magsisimula. (Jocelyn Domenden)