Advertisers
Ikinalungkot ni dept. Of justice sec. Meynardo Guevarra ang ginawang pagbawas ng Department of Budget and Management (DBM) sa budget ng Bureau of Correction (Bucor) para sa susunod na taon.
Sinabi ni Justice Secretary Guevarra, umaasa siya na sana sa darating na budget deliberations, dagdagan ang alokasyon ng BuCor kahit para na lamang sa medical facilities nito.
Aniya kung may maayos na pasilidad ang BuCor, hindi na kailangan ilabas ang mga pasyenteng inmates na may mga medical needs.
Giit ni Guevarra, isang problema sa seguridad sa mga BuCor personnel ang paglalabas ng mga inmate patients, at kailangan bantayan maigi habang ibinibiyahe at ginagamot sa isang pagamutan na nasa labas ng correctional.
Sabi pa ni Guevarra malaking tulong ang anumang maipagkakaloob na karagdagang pondo para sa pagpapabuti ng medical services sa loob ng BuCor.
Gayundin aniya may ilan na kumplikado na ang sakit na kailangan silang ilabas ng BuCor upang dalhin sa mga well equiped na mga pagamutan kung saan bibigyan ito ng mahigpit na seguridad. (Vanz Fernandez)