Advertisers

Advertisers

DALAWANG BUWANG GRACE PERIOD SA LOAN PAYMENTS!

0 399

Advertisers

HABANG patuloy ang epekto ng pandemya ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo, kaliwa’t kanang problema naman at bayarin ang kinakaharap ng mga Pilipino.

May kanya-kanya tayong pakikibaka at nauunawaan naman siguro ito ng mga kompanyang pinapasukan natin.

May ibang establisimyento naman na nakatuon sa pagtulong sa kanilang mga tauhan at kustomer sa buong krisis na ito sa pamamagitan nang pagbibigay ng mga programang pang-pinansyal at iba pang paraan upang makatipid sa gastusin at makatulong.



Malaking bagay nga pala para sa mga miyembro ng Pag-IBIG fund ang dalawang buwang grace period o ang palugit para hindi muna magbayad ng utang sa kanila.

Nilagdaan na kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 law.

Kung hindi ako nagkakamali, kasali ang lahat ng may utang sa two-month grace period alinsunod sa batas.

Sa kabilang banda, paglilinaw ni Pag-IBIG CEO Acmad Moti, hindi naman daw pala moratorium kundi grace period lang ang dalawang buwan kaya pasok pa rin dito ang interes sa utang.

Mahalagang magsalita na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay ng grace period ito sa mga may utang sa bangko at kung kailan ito magsisimula.



Samantala, nalilito ang mga kustomer ng Meralco at water utilities bunsod daw ng magulo nilang billings.

Ang magandang balita naman, bahagyang makakahinga nang maluwag ang publiko dahil bababa raw ang singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water para sa ika-apat na quarter ng taong 2020 na magsisimula sa susunod na buwan.

Sumadsad daw kasi ang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) na may kaugnayan sa palitan ng piso kontra dolyar.

Kung hindi ako nagkakamali, ang FCDA ay ang buwis na ipinapataw ng mga water concessionaire upang mabawi o umagapay sa pabago-bagong galaw ng foreign exchange rate. Ito rin daw kasi ang ginagamit na pambayad sa mga foreign-currency denominated loans para sa mga proyektong may kaugnayan sa water supply.

Para sa mga Manila Water customers, may tapyas na P0.15/cu meter o nasa P1.73 – P3.50 ang maaaring mabawas sa monthly bill sa mga kumokonsumo ng 10 hanggang 20 cubic meters kada buwan habang may tapyas namang P0.01/cu meter sa mga kustomer ng Maynilad.

Nangangahulugan daw ito na bababa ng nasa P0.24 /cu meter hanggang P0.25/cu meter ang babayarang bill sa tubig ng Maynila para sa mga kumokonsumo ng 10 hanggang 20 cubic meters bawat buwan.

Well, masasabing good news ito para sa mga kustomer pero huwag naman sana silang bumawi ng matinding pagtaas na higit pa sa kalahati sa mga susunod na buwan.

Ngayong panahon ng krisis, makatutulong din siguro sa mga kustomer ang pagtitipid sa konsumo ng tubig at kuryente habang tayo’y nasa bahay.

***

PARA sa inyong mga reaksyon, liham, suhestiyon at reklamo, maaari n’yo po akong i-text sa 09299507599, i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-message sa aking Facebook account at FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe din po ang aking Youtube channel at i-search lang po ang aking pangalan doon sa nasabing platform. Maraming salamat po!