Advertisers
UMAKYAT na sa 279,526 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,257 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ngayong Biyernes ng hapon, Setyembre 18.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 815 new cases.
Sinundan ng Region 4A na may 494 at Region 6 na may 241.
Nakapagtala naman ang DOH ng 733 na bagong gumaling mula sa covid-19 dahilan para umakyat na sa kabuuang 208,790 ang recoveries.
Nakapagtala naman ang DOH ng 47 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 4,830 na ang kabuuan.
May 24 na dating inulat na gumaling pero sa final validation ay nabatid na 14 dito ang nasawi, habang 10 naman ang active cases.
May isa rin na dating inulat na nasawi pero nang i-validate ay gumaling na pala. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)