Advertisers

Advertisers

500 woodpushers masisilayan sa GM Balinas Online chess tour

0 265

Advertisers

Humigit sa 500 woodpushers ang inaasahang masisilayan sa Baby Uno Chess Challenge na tinampukang Grandmaster and Attorney Rosendo Carreon Balinas Jr. Death Anniversary Free Registration Online Chess Tournament sa Setyembre 27, 2020, Linggo, 11 am Manila Time sa lichess.org.

Ang 1-day competition ay tampok ang country’s top pawnpushers sa 21 round Swiss-System, 2 minutes plus 2 seconds increment time control format.

Inaasahan sina United States based Grandmasters Mark Paragua at Rogelio “Banjo” Barenilla Jr. at International Master Jan Emmanuel Garcia ang paborito sa P50,000 total pot prize tournament na may whopping top purse P10,000 sa magkakampeon matapos ang first, second at third place finish nitong Setyembre 6, 2020, kaalinsabay ng pagdaraos ng 79th birthday ni GM Balinas.



Mapapanoud ang laro na live sa youtube channel ni Arena Grandmaster Voltaire Marc Paraguya maging kay Atty. Cliburn Anthony Orbe’s Official National Chess Federation of the Philippines Facebook channel kung saan ay 654 All Pinoy ang lumahok na binubuo ng 100 Filipino chess master worldwide.

Inaasahan ng mapapalaban ng husto sina Paragua, Barcenilla at Garcia sa paglahok nina US based GMs Julio Catalino Sadorra at Oliver Barbosa, Italy based GM Roland Salvador, GMs Rogelio “Joey” Antonio Jr., John Paul Gomez, Darwin Laylo at Jayson Gonzales at WGM Janelle Mae Frayna.

“This event is extra special because of the participation of GMs (Julio Catalino) Sadorra , (Roland) Salvador and (John Paul) Gomez,” sabi ni Arena Grandmaster Marlon Bernardino, founding head ng organizing Bayanihan Chess Club. (Marlon Bernardino)