Advertisers

Advertisers

VIRAL! MISIS UMALMA NANG INAARESTO SA ‘PAGLALABA NG WALANG FACE MASK’

Sa loob ng kanilang bakuran...

0 282

Advertisers

TAMPOK ngayon sa social media ang video na kuha ng isang netizen kungsaan makikita ang isang ginang na nakikipagtalo sa ilang opisyal ng barangay.
Sa naturang video mula sa netizen na si Nielyn Mapajo, maririnig na nais isama ng ilang kalalakihan ang ginang sa barangay.
Sa ulat, nahuli ang ginang, na hindi na pinangalanan, na walang suot na face mask habang naglalaba sa loob ng kanyang bakuran.
Nanindigan ang ginang na hindi niya alam na bawal maglaba sa loob ng bakuran ng walang suot na face mask.
Tumanggi rin itong sumama sa barangay at matiketan ng mga opisyal.
Pagmumulatahin ng kanilang barangay ng P1,000 ang nasabing ginang sa paglabag umano nito sa hindi pagsusuot ng face mask.
Inirekomenda ng DILG base sa rekomendasyon ng IATF ang mandatory na pagsusuot ng face masks ng lahat ng residenteng lalabas sa kanilang mga tahanan.
Kamakailan, ipinatupad din ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa lahat ng pampublikong lugar at transportasyon.