Advertisers
KULONG ang 32-anyos na mister nang ireklamo ng kanyang misis ng pambubugbog sa Malate, Maynila.
Kinilala ang mister na si Jubel Sandana, ng 584- 105 San Andres St., Malate; at ang nagreklamong misis ay si Shirley, 30.
Sa ulat, naganap ang insidente 11:45 ng hatinggabi sa loob ng bahay ng mag-asawa.
Ayon kay Shirley, katatapos lamang nilang mag-inuman kasama ang kanyang asawa nang magkasagutan at hablutin ng mister ang kanyang buhok at sinimulang bugbugin.
Nagreklamo si Shirley sa barangay, subali’t hindi nagkasundo ang mag-asawa kaya itinurn-over si Jubel sa MPD-PS9 at tinuluyang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9262, Violence against Women and their Children, at Physical Injury.
(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)