Advertisers
HAPPY ang “Princess of Love Songs” na si Diane de Mesa dahil dumarami ang mga gumagamit ng kanyang mga awitin sa popular app na TikTok.
Magaganda naman talaga ang mga awitin ni Diane at marami ang nakaka-relate rito hindi lamang mga Pinoy kundi kahit ibang mga lahi ay gumagamit nito.
Kabilang sa mga sikat na kanta ni Diane sa TikTok ay ang mga orihinal niyang komposisyon na “May Mahal Ka Nang Iba,” “Miss na Miss Kita,” “Hindi Ka Na Mag-iisa”, “Napapagod din ang Puso”, at ang kanyang mga nai-release na sariling versions na “Only Reminds Me of You,” “Is There Something”, “I Wouldn’t Be Here If I Didn’t Love You,” at marami pang iba.
Maari nang pakinggan ang mga awitin ni Diane sa Spotify at iba pang digital platforms.
Namayagpag din ang nakaraang lockdown concert ni Diane via Facebook Live last Sept. 4, ang “FASAE virtual lockdown concert” na si Diane mismo ang nag-host at nag-organisa kasama ang organisasyon ng engineers at architects sa Amerika.
Maraming singers at talents na sumuporta sa lockdown concert na ito hindi lamang sa Amerika at Pilipinas, kundi pati sa buong mundo.
Bukod dito ay umaarangkada rin ang radio program ni Diane sa PinoyOnline Radio bilang DJ Diane. Bino-broadcast ni Diane sa Facebook Live ang kanyang “Heart to Heart” radio show at fini-feature bukod sa kanyang mga kanta ay ang mga indie artist at requests ng kanyang mga tagapakinig.
I-follow si Diane sa kanyang Facebook para malaman ang kanyang mga schedule dahil iba-iba ito bawat linggo.
Sey ni Diane, itinataon niya lang daw ito pag “day off” sa trabaho. Sa mga hindi nakakaalam, si Diane ay isang registered nurse sa Amerika kaya nakabibilib na napagsasabay niya ang pagiging nurse at paglikha ng mga awitin.
Abangan ang guesting ni Diane sa Kumu sa “Pito Ito Iba Ito!” ngayon, Sept. 18 at 9pm kasama ang mga host na sina Roldan Castro, Fernan de Guzman, Rommel Placente, Mildred Bacud, Blessie Cirera, Boy Romero at Rodel Fernando.
Guest din ang Princess of Love Songs sa “Wow It’s Showbiz @ KUMU” sa Sept. 27, 4pm, kasama sina Fernan ‘Miss F’ de Guzman, Blessie Cirera, Joey Austria, Raymond Clem Bassig, Jr., Jonas Virtudazo at Boy Romero. (BKC)