Advertisers
PATAY ang isang Baptist pastor nang pagbabarilin sa Barangay Badja, Tipo Tipo, Basilan, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Dennis De Villa.
Ayon sa ulat, kinuha pa ng mga salarin ang motorsiklo ni De Villa bago tumakas.
Nagtamo ang biktima ng sugat sa ulo na kaniyang ikinamatay.
Nag-iimbestiga np ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin.(Ace Ramales)