Advertisers
UMABOT ng 980 pirasong ‘ecstacy’ na nagkakahalaga ng P1.8 milyon ang muling nasabat ng Bureau of Customs (BOC) nang madiskubre at nakadeklarang ‘samples’ mula sa isang bodega ng NAIA-Central Mail Exhange Center (CMEC) sa Pasay City.
Ang nasabing kargamento ay ipinadala ng alyas ‘U Janssen’ na nagmula sa Netherland para sa isang Joey Ramos Jr. ng Malate, Manila.
Dahil sa masugid na pagmamatyag at mahigpit na profiling ng Customs personnel sa mga kargamento na nasa NAIA-CMEX warehouse, nakita mula sa x-ray scanning machines ang kahina-hinalang hugis ng tablets, dahilan upang magsagawa rito ng 100% physical examination.
Tatlong vacuum sealed pouches na mayroong laman na kulay orange, gray at turquoise pills ang natagpuan sa loob ng selyadong brown envelope.
Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na positibong ecstacy ang nasamsam na tabletas nang suriin sa PDEA chemical laboratory. (Jojo Sadiwa)