Advertisers

Advertisers

Libo-libong 4Ps beneficiaries inalis at pinalitan ng DSWD

0 249

Advertisers

NASA 180,000 na pamilya ang inalis at pinalitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa budget deliberation ng Kamara, inilahad ni DSWD Dir. Gemma Gabuya na nagkaroon ng attrition sa 4Ps dahilan upang tanggalin ang mga nasabing pamilya.
Ayon kay Gabuya nagkaroon ng ebalwasyon sa listahan kung saan ilan sa mga pamilyang kabilang dito ay hindi na pasok sa requirements ng 4Ps kaya sila tinanggal at pinalitan.
Nilinaw ni Gabuya na sa ngayon ay aabot sa 4.3 milyon ang benepisyaryo ng 4Ps ng DSWD at target na maitaas ng hanggang 4.4 milyon bago pa man matapos ang kasalukuyang taon.
Mababatid na sa mga nakalipas na buwan kabilang ang 4Ps beneficiaries sa nabigyan ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Josephine Patricio)