Advertisers
Napurnada ang inaasam ng marami na banggaan sa Western Conference Finals ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.
Nakumpleto kasi ng Denver Nuggets ang kanilang second straight comeback from a 1-3 series deficit para patalsikin ang mas pinapaborang Clippers.
Mukhang hindi pa kayang bumuhat ni Kawhi Leonard ng sarili niyang team. Kahit kasi two-time Finals MVP si Leonard ay marami siyang kasamang playoff veterans sa mga nakaraan niyang teams.
Kung tutuusin, hindi si Leonard ang star player sa 2014 champion San Antonio Spurs. Ang mga leaders ng nasabing team ay sina Tim Duncan, Tony Parker at Manu Ginobili.
Sa Toronto Raptors naman ay nakasama niya sina Kyle Lowry, Serge Ibaka at Marc Gasol na mga playoff-tested veterans din.
He did score 41 points and make a game-winning shot in Game 7 of the Eastern Conference semi-finals last year against the Philadelphia 76ers, pero nagawa niya iyon by taking 39 shots and it took a lucky bounce para pumasok ‘yung winning shot niya.
Against Denver ay 22 shots lang ginawa ni Leonard pero masama pa rin ang kaniyang shooting dahil anim lang ang kaniyang naipasok as he finished with a measly 14 points sa win-or-go-home match.
The two best players on the floor sa Game 7 ay ang dalawang budding stars ng Nuggets na sina Nikola Jokic at Jamal Murray.
Jokic had a triple-double sa third quarter pa lang habang nagpasabog ng 40 puntos ang kamador na si Murray.
Naniniwala pa rin tayo na mas maganda sana ang laban kung Lakers at Clippers ang magkatapat sa WCF, pero hindi puwedeng i-overlook ang Nuggets. Sa first round ng playoffs ay humabol din sila from 1-3 against the Utah Jazz kaya alam mong may never-say-die attitude ang koponan.
Ahead sa regular season series nila ang Lakers, 3-1, at ang tanging talo nila ay nangyari noong hindi naglaro si LeBron James. But remember, 3-1 is Denver’s favorite number in these playoffs.