Advertisers

Advertisers

Duterte gustong ipa-abolish, isapribado ang PhilHealth

0 232

Advertisers

NAIS na umanong ipabuwag o isapribado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Health Insurance Corp sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon na bumabalot sa ahensya.
Ito ang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto matapos ang pulong kasama ang Pangulo nitong Miyerkules ng gabi kung saan tinalakay ang mga hakbang kontra red tape at korapsyon sa pamahalaan.
Pero sinabi umano ng senador kay Pangulong Duterte na maghintay muna ng ilang buwan at tingnan kung paano mag-perform ang bagong namumuno sa PhilHealth.
Kasabay nito, aprubado rin ng Punong Ehekutibo ang kanyang mungkahing ang Secretary of Finance ang gawing chair ng PhilHealth Board sa halip na Health Secretary.
Paliwanag ni Sotto, ang PhilHealth ay isang insurance corp at hindi isang health entity.
Nabatid na dahil sa mga alegasyon ng katiwalian ang naging dahilan para si dating National Bureau of Investigation Director Dante Gierran ang italaga bilang bagong presidente at CEO ng ahensya.
Pinalitan niya si Ricardo Morales na kasama sa mga inirekomendang kasuhan dahil sa anomalya sa PhilHealth. (Mylene Alfonso)