Advertisers

Advertisers

DOH: 1K vials ng remdisivir para sa WHO solidarity trials tatanggapin ng Pilipinas

0 237

Advertisers

Makakatanggap muli ng karagdagang gamot na remdesivir ang Pilipinas para sa solidarity trial ng World Health Organization.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, karagdagang 1,000 vials ng remdesivir ang darating sa ikatlong shipment mula sa WHO.
Ayon pa kay Vergeire, hanggang noong September 7 ay nasa 1,009 moderate to severe COVID-19 patients na ang naka-enroll para sa trial.
Mula naman sa iba’t ibang sites sa mga rehiyon ang mga nag-enrol para sa trial ng antiviral drug.
Ang remdesivir ay isa sa mga gamot na sinusubok bilang posibleng lunas para sa Covid-19 kung saan lahat ng mga bansang kalahok sa solidarity trial ay titignan ang pagiging epektibo nito sa pasyente. (Jocelyn Domenden)