Advertisers
Patuloy na nadagdagan ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,375 bagong kaso nitong Huwebes, Setyembre 17.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 742 new cases.
Sinundan ng Region 4A na may 482 at Region 6 na may 249.
Sa ngayon ay nasa 63,408 na ang aktibong mga kaso.
Nakapagtala naman ang DOH ng 317 na bagong gumaling mula sa covid-19 dahilan upang umakyat na sa 208,096 ang nakarekober sa nakamamatay na virus
Umakyat na rin sa 4,785 ang bilang ng nasawi sa covid-19 dahil sa karagdagang 53 deaths.
May 19 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)