Advertisers
MULING ibinalik ng Department of Transportation ang isang metrong distansya sa lahat ng pampublikong sasakyan.
Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang regular na press briefing.
Ayon kay Roque, ibinalik sa 1 metrong distansya alinsunod sa minimum health standards.
Hihintayin muna ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung papayagan ang suhestyon ng DOTr.
Samantala, kapwa pabor sina Interior and Local Government Sec. Eduardo Año at Health Sec. Francisco Duque III na panatilihin ang 1 meter distance.
Nauna rito, inaprubahan ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na gawing .75 meter ang distansya sa mga pampublikong sasakyan. (Vanz Fernandez/Jonah Mallari/Josephine Patricio)