Advertisers

Advertisers

Viral: Magnanakaw huli nang maiwan ang 1 pares ng tsinelas sa bahay ng biktima

0 274

Advertisers

TAMPOK ngayon sa social media ang mala-Cinderella na imbestigasyon ng pulisya sa General Santos City
Sa ulat, naiwan ng lalaking nagnakaw ng cellphone ang isang pares ng tsinelas sa bahay ng kanyang biniktima kung kaya nakatulong para agaran siyang maaresto.
Ayon sa report, pinasok ng lalaki ang isang bahay at tinangka nitong nakawin ang cellphone ng biktima na nakatunog.
Agad tumakbo at tumakas ang lalaki nang sumigaw ang biktima. Naiwan ng magnanakaw ang isang tsinelas niya.
Sa tulong naman ng isang witness, nahanap ang magnanakaw na nakatira lang pala malapit sa bahay ng biktima.
Sa ulat, pinasuot ng mga pulis ang tsinelas na nakita sa bahay ng biktima sa lalaki at nakitang magkapares ito.
Paliwanag ng lalaki, ginawa niya ang krimen dahil sa gutom.(PFT team)