Advertisers

Advertisers

UV light disinfectant masama sa balat at mata – DoH

0 345

Advertisers

BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang publiko lalo na ang mga estudyante at teachers sa pagdi-disinfect ng mga self-learning modules ngayong ipinapatupad ang online learning.
Ayon kay DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire, wala pang matibay na basehan na epektibo ang paggamit ng ultraviolet (UV) light bilang disinfectant sa mga gamit.
Paliwanag ng opisyal, matagal nang ginagamit ang UV light bilang disinfectant, pero sa mga ospital at health facilities lang.
Sa ngayon inirerekomenda pa rin ng DOH ang direktang disinfection sa pamamagitan ng pagpunas sa mga gamit bago ipasok sa bahay. Hindi naman daw angkop na pag-spray dahil maaari itong mag-aerosolized ang virus o humalo sa hangin.
Ayon kay Vergeire, ang hindi maingat na paggamit ng UV light ay maaaring magdulot ng pagka-sunog sa balat at impeksyon sa mata.