Advertisers

Advertisers

Ombudsman nagpalabas ng bagong patakaran sa pagkuha ng SALN

0 251

Advertisers

NAGPALABAS ng mga bagong patakaran ang Ombudsman para sa mas mahigpit na pagkuha ng statement of assets, liabilities at net worth (SALN) ng mga opisyal.
Sa SALN, idinedetalye ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang kayamanan.
Dahil sa SALN, nabubusisi kung mayroong itinatatagong yaman ang isang opisyal ng pamahalaan.
Sa bagong patakaran na inilabas ng Ombudsman, nilagyan ng limitasyon kung sino lamang ang puwedeng makakuha ng kopya ng SALN.
Nakasaad pa sa naturang patakaran na hindi makakuha ng SALN ang sinuman kung hindi ito aprubado ng public officials. (Josephine Patricio)