Advertisers

Advertisers

Multi-million investment scammer tiklo sa Bulacan

0 286

Advertisers

NADAKIP ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ang isang babaeng multi-million investment scammer sa BarangayPagala, Baliwag, Bulacan.
Sa report sa tanggapan ni PNP Regional Director BGen. Rhodel Sermonia, kinilala ang nadakip na si Ma. Lea Ulang, 29, dalaga, negosyante at residente ng Brgy. Layunan, Binagonan, Rizal.
Ayon sa ulat, inaresto si Ulang sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Mario B Capelan ng RTC Malolos City, Branch 1 sa kasong Estafa.
Isa sa mga biktima ni Ulang si Rosemarie Guerero na natangayan ng halagang P13 million. (Thony D Arcenal)