Advertisers

Advertisers

Maging endorser ng SM Malls, isa na namang katuparan ng pangarap ni Alex Gonzaga

0 1,063

Advertisers

MALAYO na ang narating ng career ni Alex Gonzaga na mula sa pagiging smorgasboard lang at nabigyan ng break sa TV5 at sumikat sa ABS-CBN at naging tanyag at kinikilala ngayong isa sa top vloggers sa bansa na as of presstime ay may 8.51M subscibers at umaani ng million views ang upload videos.

Ngayon ay isa naman sa pangarap ni Alex na nabigyan ng katuparan ang maging endorser ng SM Malls sa kanilang delivery services. Pahayag pa ng nakababatang Gonzaga tanggap niya yung sinabi ng iba na kapatid lang siya ni Toni Gonzaga pero wala raw talagang imposible kay  GOD, kaya yung wish niya, na tuwing dumaraan sa SM Mall na maging parte nito at magkaroon ng sariling billboard ay dinidinig ng Itaas.

At narito ang mahabang post ni Alex sa kanyang FB Fanpage Official, “Whenever i see billboards of SMs past endorsers i would always think to myself na impossible siguro na makita ko rin sarili ko maging part ng SM. Baka kahit makasama sa list ng pagpipilian endorsers di pa ako makasama. Im known as kapatid ni Toni. I already accepted the fact that if dun ako maaalala that would be fine. And then today, God showed me that nothing is impossible when you trust Him and His timing. When i was shooting for our pictorial, I felt God talked to me, naramdaman ko na sinabi nya while i was posing and pina-hold nila yung SM shopping bags na, ‘Ayan sabi ko sayo I will be with you and I will never leave and forsake you. “They dont know how much i wanted to cry while in the shoot because another impossible dream happened.



I was so used to losing and being rejected that when God is already blessing me hindi ko na maaalala at maiisip na isa yun sa pinagdasal ko. “Mas nakinig ako sa sinasabi ng mundo na hindi pwede mangyari yun sa akin. “Whoever is reading this, I just want to let you know that God is listening. His blessings and plans are on the way. He hasn’t forgotten about you. “Madalas akala natin wala na pag-asa at imposible mangyayri pero His ways are higher and He has plans for you.

Wag ka mapapagod magdasal dahil one day magugulat ka  nalang na ay andyan na pala sa harap mo ang hinihiling mo. Glory be to God! Thank you Jesus. “Andito na rin naman tayo so #Call143SM na din para call to deliver.”

***

Rosanna Roces Napabilib Sa Husay Ng Bagets Director Nilang Si Darryl Yap 

Umani ng libu-libong views ang exclusive one- on-one no holds barred interview ni Rosanna Roces sa kaibigang matalik na si Butch Francisco sa “PIKA PIKA.” Dito ay napanood ng publiko kung ga-ano katapat at katotoo sa kanyang sarili si Rosanna na open book ang buhay sa kanyang fans and supporters.



Sa nasabing panayam ay aminado si Osang na maraming tao ang siyang nanamantala sa  kanyang kasikatan na puro pera ang gusto sa kanya. Imagine, tagabasa lang ng script niya ay P5K per week ganoon din ang kanyang bayad sa tagapalit lang ng kanyang damit. Inabuso siya ng todo-todo di ba naman? Pero sa ngayon ay tahimik na siya at masaya sa simpleng buhay kasama ng mga taong mahal niya. At dahil mabait at may talento ay hindi pinababayaan ng Diyos ang aktres at marami pa rin ang dumararing na alok sa kanya. Tapos na niyang gawin ang pelikulang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” na maglulunsad sa baguhang sexy star na si AJ Raval na daughter ng actor na si Jeric Raval. At dahil lock-in silang buong cast ng 14 days sa Subic, Zambales ay may  nabuong magandang samahan sa pagitan ni Osang at co-stars na sina Alma Moreno, Maui Taylor, at Ara Mina at kitang-kita ito sa group pictures nila kasama ang bagitong director ng pelikula  na si Darryl Yap na hayup sa  galing magdirek.

“Totoo ka, anlawak ng utak ni Direk Darryl kumbaga dahil bata pa ay fresh ang ideas niya kaya siya magaling at thumbs up kaming lahat  sa husay niya,” sey pa ni Rosanna. Kung umagaw pala noon ng atensyon si Osang sa mga manonood ng blockbuster film nilang “The Panti Sisters,” dito sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar naman ay kabogera ang character na ginagampanan ng actress na medyo malaswa man ang dialogues ay hindi siya bastos kundi matatawa ka sa kanilang mga eksena lalo na sa training nila sa mga baguhang gustong maging hubadera sa pelikula na may solo sex act scenes pang kasama pero swabe ang pagkakadirek ni Direk Darryl. At ang galing na teacher ni Osang sa movie, kaya nagawa nang mahusay ni AJ ang humalinghing nang tama na kunwari ay sarap na sarap sa ka-sex.

Well, my vibes ay malayo  ang mararating ng film na ito na maliban sa tatabo sa takilya ay posible pang maipalabas sa Netflix o iba pang digital platforms. (Peter S. Ledesma)