Advertisers
INATASAN ng Commission on Higher Education (CHED) ang pamunuan ng Isabela Colleges, Inc. sa Cauayan City na magpaliwanag sa loob ng 10 araw dahil sa pagsagawa nito ng face-to-face class.
Kinumpirma ng CHED na isang estudyante ng naturang eskuwelahan ang nagpositibo sa COVID-19 matapos dumalo sa class orientation nitong Agosto 29.
Dahil dito nagsagawa ng contact tracing ang City Health Officials sa 45 estudyante na nakahalubilo nito.
Nadiskubre ng CHED na simula pa Agosto 29 ay nagsagawa na ng orientation ang naturang paaralan.
Nanawagan ang CHED sa mga eskuwelahan na huwag muna magsagawa ng face-to-face class dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa. (Josephine Patricio)