Advertisers

Advertisers

Japan pauutangin ang Pinas ng P24B para sa war on COVID-19

0 189

Advertisers

PAUUTANGIN ng Japan ang Pilipinas ng P24 bilyon bilang suporta sa war on COVID-19 ng bansa.
Ang pagpapautang ay napagkasunduan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr. at Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda.
Nabatid na ang naturang utang ay tinawag na Post Disaster Stand-by Loan Phase 2.
Sa pahayag na inilabas ng Japanese Embassy, ang utang ay babayaran sa loob ng 3 dekada at may interes na 0.01 porsiyento kada taon. (Josephine Patricio)