Advertisers

Advertisers

Illegal recruiter nambiktima ng mga nurse huli sa Munti

0 254

Advertisers

ARESTADO ang isang babaeng illegal recruiter na nambibiktima ng mga nurse na nais makapagtrabaho sa ibang bansa nitong Linggo sa Muntinlupa.
Kinilala ang naaresto na si Alma Iglesia.
Sa ulat, ikinasa ang entrapment nang humingi ng tulong ang isa sa mga nurse na nabiktima ni Iglesia.
Ayon sa report, modus ng suspek ang pangakuan ang mga nurse na tutulungan silang makapunta sa United Kingdom para magtrabaho kapalit ng P4,000 processing fee.
Sinasabing ang nurse na si alyas “Joy” ay nagbayad at nagbigay ng requirements noong Hulyo pa.
Ang nurse namang si alyas “Shane” bukod sa nasayang na P4,000, mas nanghihinayang siya sa oras at pagod na nilaan para makumpleto ang requirements. Dahil panay original documents ang hiningi ng suspek.
Ayon sa mga pulis, higit 30 ang nabiktima ng suspek sa isang ospital palang. Kinukumpirma pa nila kung may mga nabiktima ring nurse sa iba pang pagamutan.
“Hirap na hirap na nga ‘yung ating mga frontliners bibiktimahin pa… Sa atin pong mga nurse diyan, lumapit lang po kayo sa POEA para malaman po ninyo kung lehitimo ‘yung taong nangre-recruit sa inyo,” ani Police Maj. Gilbert Valera ng SPD.
Sinampahan na si Iglesia ng reklamong illegal recruitment at large scale estafa.(Gaynor Bonilla)