Advertisers

Advertisers

Gerald personal choice ni Atty. Topacio sa ‘Mamasapano’ movie

0 242

Advertisers

SA pamamagitan ng kanyang Instagram story noong Lunes, September 14, binasag na ni Heaven Peralejo ang kanyang pananahimik hinggil sa isyung humingi umano siya ng tulong pinansiyal kay Senator Manny Pacquiao, na ama ng kanyang ex-boyfriend na si Jimuel.

Pero ang asawa raw ng senador na si Jinkee ang nagbigay sa kanya ng ayuda. Pinadalhan daw siya nito ng P100,000. Dahil sa lumabas na balita, naiba umano ang pagtingin sa kanya ng mga tao at nasaktan siya.

Kaya naman sa kanyang IG story sinabi niya na,”The past few weeks have redefined the public’s impression of me. It was hurtful and I needed some time to think it through. I’ll get straight to the point, I didn’t ask anyone for money. I am beyond grateful that I am blessed with opportunities to earn an honest living. “Whatever I have now is a product of my hard work and not extracted from anyone’s pocket.”



Pinasalamatan din ni Heaven ang mag-inang Jinkee at Jimuel dahil nilinaw ng mga ito na walang katotohanan ang isyu sa kanya.

O ayan, sa mga nang-iintriga kay Heaven, at least vindicated siya, ‘di ba?

***

KASAMA si Gerald Santos sa pelikulang Escape From Mamasapano mula sa Borracho Films, na pag-aari ni Atty. Ferdinand Topacio.

Ito ay tungkol sa SAF 44, ang mga sundalong minasaker sa Mamasapano noong 2015. Gaganap siya rito bilang si Police Officer 3 Christopher Lalan, na siya lamang nakaligtas sa mga sundalong minasaker.



Personal choice ni Atty. Topacio si Gerald para sa role. Kaya naman nagpasalamat ang huli sa una.

“Nagpapasalamat ako kay Atty. Topacio dahil isinama niya ako sa makabuluhang pelikula about Mamasapano massacre,” sabi ni Gerald.

Hindi na bago kay Gerald ang role na sundalo dahil gumanap din siya ng ganitong klase ng papel sa  Miss Saigon, bilang si Thuy.

“Medyo pamilyar na rin ako sa role na gagampanan ko kasi dahil parang role ko lang sa Miss Saigon na isa ring sundalo. Basta I will do my best to give justice to my role.”

Ngayong September na magsisimula ang shoot ng Escape From Mamasapano. Nagbigay ng assurance si Atty. Topacio na walang dapat ipag-alala ang buong cast at ang production staff ng pelikula dahil titiyakin niyang ligtas ang lahat laban sa COVID-19.

Sabi ni Atty. Topacio, “Insured ang lahat ng mga artista. Hindi namin pababayaan ang mga artista at production crew. Susundin namin ang health protocols. ’Yung isang location is part of a resort na may fourteen cottages at swimming pool.

“May open air, hindi sila kulob. Ipapasok ang pagkain galing sa safe na source. Walang problema. May kinuha kaming security agency to secure the perimeter. No one can get in or out.”

Bukod kay Gerald, kasama rin sa Escape From Mamasapano sina  Edu Manzano, Ritz Azul, Kate Brios, Myrtle Sarrosa, Tonton Gutierrez, Mikey Arroyo, Aljur Abrenica, JC de Vera ,at Claudine Barretto.

Si Lawrence Fajardo ang director nito, na mula sa panulat ni Eric Ramos. (Rommel Placente)