Advertisers
NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P6.8 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City nitong Martes.
Kinilala ang nasakoteng tulak na si Jayson Legaspi, isang electrician.
Karaniwang parokyano ni Legazpi ang mga tricycle driver sa nasabing lugar.
Sa report, nakumpiska kay Legaspi ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon na nakasilid sa isang kahon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act si Legaspi.(Boy Celario)