Advertisers
NADAGDAGAN pa ang mga nagpositibo sa Covid-19 sa bansa matapos muling nakapagtala ng mataas na bilang ng kumpirmadong kaso ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Setyembre 16.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, nakapagtala ng 3,550 mga bagong kaso dahilan para umabot na sa kabuuang 272,934, ang Covid-19 case sa bansa.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 1,459 new cases. Sinundan ng Rizal na may 271 new cases, Cavite na may 196 new cases, Bulacan na may 172 new cases at Laguna na may 172 new cases.
Sa deaths naman ay umabot na sa kabuuang 4,732 matapos madagdagan ng 69 na bagong nasawi.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 34 ay nasawi ngayong Setyembre, 18 noong Agosto,10 noong Hulyo, 4 noong Hunyo, 2 noong Mayo, at 1 noong Abril.
Sa ngayon, pumalo na sa 4,732 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.
May 23 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)