Advertisers

Advertisers

Barangay kagawad timbog sa pagtutulak ng shabu sa Laguna

0 291

Advertisers

LAGUNA – Timbog sa mga operatiba ng Lumban PNP Drug Enforcement Unit (DEU) ang isang barangay kagawad na napapabilang sa ‘High Value Individual’ (HVI) sa buy bust operation sa Bgy. Balimbingan Martes ng hapon.
Sa ulat ni Police Capt. Fernando Credo, hepe ng pulisya, kay Laguna PNP Provincial Director Col. Serafin Petalio II, kinilala ang nadakip na si Rodel Laguartilla alias “Pogpog”, 41 anyos, elected barangay councilor at residente ng 49 Rizal Street, Bgy. Balimbingan.
Bandang 2:00 ng hapon nang magkasa ng operasyon ang mga tauhan ni Credo sa pamamagitan poseur buyer.
Matagal na umanong target ng pulisya si Laguartilla dahil sa mga reklamo at impormasyong nagtutulak ito ng iligal na droga.
Nakuha sa posisyon ng barangay official ang 3 plastic sachets ng hindi pa batid na gramo ng shabu na nakalagay sa kanyang pitaka.
Kasalukuyang nakapiit ang opisyal sa Lumban PNP Lock Up Cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11, Article II of RA-9165.
(DICK GARAY)