Advertisers

Advertisers

BALIK-OPERASYON NG PROV’L BUSES INIHAHANDA NA – LTFRB

0 264

Advertisers

KINUMPIRMA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbabalik-operasyon ng mga provincial buses sa susunod na mga linggo.
Ito ang inihayag ni LTFRB National Capital Region director Atty. Zona Russet Tamayo nitong Miyerkules, Setyembre 16.
Pahayag ni Tamayo, wala pang ispesipikong petsa pero minamadali na ang pagsasaayos ng mga panuntunan.
Binigyan-diin ni Tamayo na uunahin ang mga biyahe sa probinsyang malapit sa Metro Manila gaya sa Regions III at IV (A and B) saka isusunod ang mga nasa mas malalayong rehiyon.
Tiniyak pa ni Tamayo na nakikipag-ugnayan na ang LTFRB sa mga kinauukulang lokal na pamunuan para makabuo ng uniform set ng requirements sa mga pasaherong makabiyahe patawid at papasok sa mga iba’t-ibang rehiyon. (Josephine Patricio)