Advertisers

Advertisers

AKYAT BAHAY NA TUMANGAY NG VAULT NA MAY P1M CASH, HULI

0 221

Advertisers

ARESTADO ang 25- anyos na lalaki nang nakawin nito ang vault na naglalaman ng P1 milyon sa Tondo, Manila nitong September 15.
Kinilala ang nadakip na si Rodrigo Aquino Jr. alyas “Jay ar” ng Laguna Ext., Molave St., Tondo.
Sa ulat, 8:00 ng gabi ng Setyembre 17 nang maaresto si Aquino malapit sa kanyang bahay.
Ayon sa report, nagreklamo sa otoridad si Ronald Peralta, 35, negosyante, ng 157 Jala Jala St., Brgy. 30, Maypajo, Caloocan City, hinggil sa pangloloob sa kanyang C B & A J Medical Supply Trading sa 1863 Jose Abad Santos Avenue sa panulukan ng Tayuman St., Tondo.
Nakita sa CCTV ang suspek at ang hindi pa nakikilalang kasabwat nito na buhat-buhat ang vault na naglalaman ng P1M cash.
Patuloy pang tinutugis ang kasabwat ni Aquino na nakakalaya pa. (Andi Garcia)