Advertisers
ISANG bangkay ng dalagita ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Barangay Malanduague, Kabacan, Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Rasmia kumawir, 16-anyos, Grade 6 student sa Malanduage Elementary School at residente ng Brgy. Malanduague.
Ayon sa ulat, umalis na kanilang bahay ang biktima para kumuha lamang ng kahoy panggatong. Pero hindi ito nakabalik.
Kinumpirma naman ng Kabacan-PNP na ginahasa muna bago pinatay ang dalagita, base sa ginawang post-mortem examination sa bangkay.
Naglaan ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Kabacan sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa salarin.(Ace Ramales)