Advertisers

Advertisers

Videoke sa gabi bawal sa Cavite

0 294

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na damputin ang sinumang mahuhuling nagbi-videoke sa dis-oras ng gabi sa kanilang probinsya dahil sa paglabag sa curfew.
Una nang nagpatupad ng 8pm hanggang 5am curfew hours sa Cavite para mapigilan ang pagkalat ng COVID ‘19.
Ayon kay Remulla, hindi lamang ang pag-iwas sa pagkakalat ng virus ang layunin ng curfew kundi masiguro rin na nakakatulog ng maayos ang mga residente at mapanatiling malakas ang kanilang immune system.
“Sorry po, ngunit kahit sabihin ninyo pang kayo ay nasa loob naman ng inyong tahanan, ang ingay na dulot nito ay maituturing na labag na sa tinakdang curfew hours,” giit ng gobernador
Pero dadaanin muna sa pakiusap ang mga pasaway na residenteng tigilan na ang paggamit ng videoke. Ngunit kapag tumanggi ang mga ito ay puwede nang dalhin kaagad sa presinto at kasuhan.
“Kung kayo ay lasing, lagpas sa dami ng kainuman at higit sa lahat ay labag ang inyong pagliliwaliw sa oras, puede kayong kasuhan at dalhin sa presinto on the spot,” dagdag nito.
Ang mga reklamo tungkol sa maingay na kapaligiran ay maaari itawag sa Cavite Police Hotline 0916 986 0679.(PFT team)