Advertisers

Advertisers

Vice mayor may sakit nagbitiw para sa bayan

0 330

Advertisers

PORMAL nang tinanggap ni Shariff Aguak, Maguindanao Mayor Marop B. Ampatuan ang pagbibitiw ng kanyang amang si Datu Akmad Mitra Ampatuan bilang bise alkalde.
Nagbitiw ang matandang Ampatuan bunsod ng kanyang kalusugan at para narin sa ika-bubuti ng higit na nakararami sa kanyang bayan.
Labis naman ang hinagpis ng mga mamamayan sa pagbitiw ng kanilang vice mayor at binalikan ang mga nakaraan noong maupo ito sa kanyang katungkulan kung saan nakita ang pagbabago.
Pinasalamatan ni Ampatuan ang kanyang mga kababayan sa tiwalang ibinigay sa loob ng kanyang panunungkulan, ang mga lider ng MILF Base Commands kungsaan naging kaagapay nito sa pagpapanatili ng kapayapaan bukod sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) at iba pang sektor.
Samantala, umupo na bilang bagong bise alkalde ang unang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Shariff Aguak na si Datu Amier S. Aguak.
Kamakailan ay isa rin Mayor ng Madella, Quirino na si Florante Ruiz ang nagbitiw dahil sa karamdamn.(PFT team)