Advertisers
Mahigpit pa rin ipinagbabawal ng Joint Task Force on COVID Shield ang pagdayo sa ibang lugar ng mga turista sa National Capital Region (NCR).
Paalala ni Task Force Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, isang paglabag sa quarantine protocols ang ginawang pamamasyal ng ilan sa ating mga kababayan sa lungsod ng Tagaytay. Panawagan pa ni Eleazar na kailangan pa rin kumuha ng travel pass ng mga residente ng NCR na balak magtungo sa Tagaytay.
Nilinaw ni Eleazar na binuksan lamang ang Tagaytay City sa mga turista mula sa iba’t-ibang lugar na sakop ng Cavite. (Josephine Patricio)